Miyerkules, Hulyo 11, 2012

Pangarap sa buhay at Pag-ibig


                       " Pangarap sa Buhay at Pag-ibig " 
                   
Pinili ko po ang pamagat ng pangarap sa buhay at pag-ibig, “Sa gawin kong Blog”  kasi po dito po ako  natuto kong anu ang tama at mali sa buhay; “Gusto korin ipamahagi ang tunay na nangyari sabuhay ko at sa mga tulad  kong nagsikap para matupad ang ninanais nating pangarap sa buhay. Ang kahirapan ang ginawa kong hagdanan, para marating ko ang kinatayuan ko ngayon. Kong paanu ko ito magawan nang sulosyon?; at pagkamali sa pag-ibig na diko inasahan na ito ay magpalakas sa akin.

Kong may pangarap ka, ito ang nag papalakas sa atin, ito ang nangyari sa akin; dahil sa pangarap nag-sikap ako ng mabuti para makamit ko ito. Masakit man na mawalay ako sa magulang ko at kapatid; kailangan kong tiisin para makamit ko ang pangarap ko. Pag katapos ko ng elementary sa probinsya naming nag pasya akong pumunta dito sa cebu para maka pag aral ng sekondarya.. Pero hindi ito madali dahil malayo ako sa magulang ko at nag sikap ako na mag-isa para makamit ko ang pangarap ko na makatapos ako ng sekondari lebel.  Nag apply ako ng trabaho para ako maka pag-aral, natangap ako bilang katulong ng mikaniko at naka pag enrol ako sa mataas na paaralan ng Pusok Nasyunal high School. Since 2nd year high School ako nag aaral ako bilang isang working Student, hindi ito madali pero tiniis ko ang lahat para matupad ko ang pangap ko sa buhay.

Noong nasa pang apat na baitang ako may naranasan akong malaking pagkamali sabuhay “BULAK-LAK NG MGA MATA” dahil sa tokso ng pag-ibig, Pero sa mga panahong ito wala na ako nag-trabaho bilang katulong ng mikaniko dahil sa tulong ng isang Guro sa mataas na paaralang ng Babag. Tumutolong nalang ako sa mga gawain ng paaralan hanggan nakatapos ako ng sekondari lebel. Masaya ako sa araw ng graduation dahil nabuo ulit kaming mag ka pamilya. Pagkatapos nuon umuwi ako sa aming probensya sa negros. Nag-apply ako nang trabaho tapos nagpatuloy ako sa koleheyo; Nag aaral ako sa Negros Oriental State University Guihulngan Campus sa kursong Crimenology. Pero sa kasawian ng kapalaran di ko kinaya ang gastosin dahil working student lang ako. Bumalik ako dito sa cebu at nag kita kami ulit sa nobya ko. Hanggan nag karuon ako ng anak akala ko ito ang pinaka malaking mali ,,,,, pero mali pala ako ito ang nagbigay lakas sa akin para mabuhay.

Huminto ako sa pag-aaral ng dalawang taon para maka pag ipon pero bigo ako kasi hindi ako natangap ng mga malaking kompanya. Hanggang natangap ako bilang isang security guard. Sa isa sa mga pinakamaking internet café shop sa lapu-lapu city. At natuto akong mag-ayos ng mga computer machine. Naisipan kong Magpatuloy sa pag aaral pero palitan kuna ang korso ko dating pinag aralan. Sinusuportahan naman ako sa nobya ko para mas magaan ang makuha kong trabaho sa darating na panahon. Pero sa panahon na yon hindi ako natuloy sa pagaaral kasi ang pinag trabahuan kong shop ay nanakawayn ng mga computer mashine at ako ang nag babayad ng aabot dalawang daan peso o higit pa. Pero hindi ako nag patalo iniisip ko ang lahat na pag subok lamang sa buhay at ito ang naging gabay ko para ingatan ang bagay bagay na nasayo. Pag lipas ng dalawang taon sinubukan kong kombinsihin ko ang may-ari para mag aral ako. Hindi ako nabigo kasi pumayag na mag-aaral ako kahit patuloy pa ang pag babayad ko sa ninakaw.

Nag-aaral ako sa Datamex Institute of Computer Technology sa kursong associate of Information Technology natapos ko naman ang isang taon kahit sa hirap ng buhay. Ito ako ngayon Sinasalaysay ko ang pangyayari sa buhay ko, pero hindi pa ito ang lahat. At sa darating ng marso kong maka pag patuloy ako sapag aaral matapos na ako sa koleheyo. Mapasaya kuna ang magulang ko kasi  kahit  sa hirap ng buhay nakatayo parin akong masayahin parang walang problema. Ito ang aral nga nakuha ko sa buhay ang pag-kakamali at hindi hadlang sa taong nangarap,ito ay nangyari sa buhay natin para tayo matoto. At ang pag-karuon ko ng maagang sariling pamilya ay isa  sa mga dahilan kong bakit nandito ako ngayon nabuhay sa mundo. Tulad ko nakatayo ako na walang magulang na tumutolong at sila ang ginawa kong inperasyon para buhay sa mundo  at sa bawat pangarap may tagumpay.

Ito lang po ang masabi ko sa inyo o tips, wag agad sumuko  sa pagsubok dahil ang pag-subok ay isang parte nang buhay natin. Maging malakas, matibay  at may determinasyon sa buhay ay isa sa lulutas ng mga problema na darating sa buhay natin. At kong may pangarap ka na hindi narating o hindi mo naabot wag kang mawalan ng pag-asa kasi kong nabigo ka sa iyong gostong marating. Tulongan mo yong nasa baba na nangarap at gosto rin may marating sa buhay, sa ganong bagay para karing naka rating sa iyong minimithing pangarap.  Susi sa magandang marating sa buhay "tiwala sa sarili, malakas, tiwala sa panginoon, may determinasyon, pangarap, pag-ibig, at iba pa.
 





Mas kilala po ako bilang;
Jun-Jun Thelmo  
simple88guy                                                                                          

1 komento: